Baldwin, SBP officials haharap sa PBA Board para pag-usapan ang training ng Gilas
MANILA, Philippines – Nagdadalawang-isip ngayon ang Samahang Basketbol ng Pilipinas kung itutuloy ang paglahok ng Gilas Pilpinas sa three-day pocket tournament sa Estonia ngayong buwan bago lumahok sa Jones Cup sa Taipei sa Aug. 29-Sept. 6.
Ito ang inaasahang pag-uusapan ngayon sa pakikipagpulong ng mga opisyales ng SBP at ni national coach Tab Baldwin sa PBA Board para sa training program ng Gilas Pilipinas.
Nabasura ang pagsasanay sana ng Natio-nals sa Turkey na balak sundan ng pagtungo sa Estonia para sagupain ang mga national teams ng Estonia, Iceland at Netherlands.
Pinag-iisipan kung kailangan pa ba ng Gilas ang Estonian pocket tourney matapos makansela ang training sa Turkey.
May balak na sumailalim na lang ang Gilas na magkaroon ng team-building session o spartan training dito sa Pinas para hindi na kailangan pang bumiyahe.
Kung hindi na sila lalahok sa torneo sa Estonia ay magiging 10 international games lamang ang gagawin ng Gilas Pilipinas para sa preparasyon sa 2015 FIBA Asia Champion-ship na nakatakda sa Sept. 23-Oct. 3 sa Changsha, China.
Inaalala din ng mga opisyales ang ilang injuries ng Nationals, partikular na kay naturalized player Andray Blatche na nagkaroon ng slight groin injury.
Samantala, pumayag si 2015 PBA Rookie Draft top choice Moala Tautuaa na maging practice player o backup kay Blatche.
Inaasahan na ring makasama ng Gilas Pilipinas sa pag-eensayo si Marc Pingris na nagbakasyon sa France.
Sa ilalim ng bagong patakaran ng FIBA, maaaring maglaro si Tautuaa para sa Pilipinas sa mga FIBA competitions bilang isang naturalized player kagaya ng lahat ng mga Fil-foreign players na nakakuha ng Filipino passport sa edad na 16-anyos. (NB)
- Latest