^

PM Sports

Cray hihingi ng suporta sa paghahanda sa Olympics

Olmin Leyba - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa bansa ngayon si Fil-Am trackster Eric Shauwn Cray, ang tanging Pinoy qualifier para sa 2016 Rio de Janeiro Olympic Games, para makausap ang mga sports officials at potential sponsors ukol sa gagawin niyang training program.

Sinabi ni Philippine Amateur Track and Field Association president Philip Ella Juico na mananatili ang 26-anyos na si Cray ng isang linggo bago sumabak sa 15th IAAF World Championships sa Agosto 22-30 sa Beijing, China.

Makikipag-usap sa ilang potential contributors ang 400-m hurdles specialist na si Cray para sa gagawin niyang preparasyon sa paglahok sa 2016 Rio Olympics.

Maaari ring makakuha ng suporta ang iba pang nag­hahangad ng Olympic ticket na sina marathoner Ma­ry Joy Tabal, pole vaulter EJ Obiena at runners Mer­vin Guarte at Edgardo Alejan, Jr. sa ilalim ng “Pro­ject Olympic Dream” program ng PATAFA.

Ayon sa PATAFA, mangangailangan si Cray ng P300,000 kada buwan para paghandaan ang 2016 Rio Olympiad.

Kasama ni Cray, ang ninuno ay taga-Olongapo, ang kanyang personal coach na si Damien Clark na ire­re­komenda ng PATAFA sa national coaching staff.

Si Cray ang 2015 SEA Games double gold meda­list at record-breaker sa 400-m hurdles.

ACIRC

ANG

DAMIEN CLARK

EDGARDO ALEJAN

ERIC SHAUWN CRAY

JANEIRO OLYMPIC GAMES

JOY TABAL

PHILIP ELLA JUICO

PHILIPPINE AMATEUR TRACK AND FIELD ASSOCIATION

RIO OLYMPIAD

RIO OLYMPICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with