^

PM Sports

LeBron, Paul, Anthony sa US men’s basketball team?

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sina LeBron James, Chris Paul at Carmelo Anthony ay tatlo lamang sa 34 players na inaasahang dadalo sa U.S. men’s basketball minicamp na indikasyon ng hangarin nilang makuha ang ikatlong Olympic gold medal.

Makakasama rin nila sina Kevin Durant, Paul George, Blake Griffin at Kevin Love para sa paghahanda ng mga Americans sa 2016 Olympics.

Dadalhin ng koponan ang 26 players mula sa kanilang national team pool at ang walong bagong hugot sa Las Vegas para sa dalawang araw na light workouts at isang intra-squad exhibition game na maihahalintulad sa All-Star Game.

Hindi lahat ng mga players ay makikita sa court dahil ilan sa kanila ay nagre-recover pa sa kanilang mga injuries mula sa nakaraang NBA season.

Ngunit gusto ni USA Basketball Chairman Jerry Colangelo na sumama ang lahat ng gustong maglaro sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil na sinabi niyang “celebration’’ ng nakaraang dekada ng basketball accomplishments para sa top-ranked Americans. Sina NBA MVP Stephen Curry at All-Star Klay Thompson ang dalawa sa apat na players ng NBA champion Golden State Warriors na dadalo sa mini camp.

ALL-STAR GAME

ALL-STAR KLAY THOMPSON

BASKETBALL CHAIRMAN JERRY COLANGELO

BLAKE GRIFFIN

CARMELO ANTHONY

CHRIS PAUL

GOLDEN STATE WARRIORS

KEVIN DURANT

KEVIN LOVE

LAS VEGAS

OLYMPIC GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with