^

PM Sports

Blatche tututukan ng lahat Ngayon

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ngayon pa lamang ay nasa isip ng nagdedepensang Iran at ng iba pang koponan sa Asya si natura-lized player Andray Blatche ng Gilas Pilipinas sa 2015 FIBA Asia Championship na nakatakda sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 3 sa Changsha, China.

Inaasahan nang tatargetin ng mga koponan si Blatche, isang nine-year NBA veteran at naglaro para sa Washington Wizards at Brooklyn Nets, matapos ang kanyang impresibong debut sa Gilas Pilipinas noong 2014 World Cup at dominanteng paglalaro sa Chinese league.

Ito ang magiging unang pagkakataon na maglalaro si Blatche sa Asian meet.

Sa isang interview sa Lebanon’s Daily Star, sinabi ni Serbian tactician Veselin Matic, ang champion coach sa nakaraang FIBA Asia Championship na dapat nilang tutukan sina Blatche, Hamed Haddadi ng Iran at Yi Jianlian ng China.

Ayon sa dating head coach ng Iran team na lumipat sa Lebanon, kailangan nilang makahanap ng pantapat kina Blatche, Haddadi at Yi para makalaban sila sa gold medal round sa Changsha meet.

ANDRAY BLATCHE

ASIA CHAMPIONSHIP

BROOKLYN NETS

CHANGSHA

DAILY STAR

GILAS PILIPINAS

HAMED HADDADI

VESELIN MATIC

WASHINGTON WIZARDS

WORLD CUP

YI JIANLIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with