LAS VEGAS – Magbabalik si Floyd Maywea-ther Jr. sa ring sa unang pagkakataon matapos ang kanilang megafight ni Manny Pacquiao noong Mayo para harapin si Andre Berto sa Sept. 12 na ayon sa kanya ay huli na niyang laban.
Malayo sa iniulat na $220 milyong kinita ni Mayweather sa kanilang May 2 fight ni Manny Pacquiao ang kikitain sa labang ito ngunit ipapalabas ito sa pay-per-view kahit na malinaw na si Mayweather ang magiging paboritong manalo ng kanyang ika-49th win bilang pro boxer.
Si Berto, 2004 Olympian ay dating hinuhulaang sisikat na boxer ngunit natalo siya ng tatlo sa kanyang huling anim na laban, dalawa nito ay kontra kina Guerrero at Victor Ortiz na madaling tinalo ni Mayweather.
“I always bring my A-game and this fight against Andre Berto is no exception,” sabi ni Mayweather nang kanyang inanunsiyo ang laban. “He’s a young, strong fighter who is hungry to take down the best. Forty-eight have tried before and on September 12, I’m going to make it 49.”
Ang labang ito ay ang huli sa six-bout deal ni Mayweather sa Showtime network at ilang beses niyang sinabi na magreretiro na siya kapag natapos na ang kontrata.
Nagretiro na dati ang 38-gulang na si Mayweather ngunit nagbalik siya matapos makapagpahinga.
“Floyd has been completely consistent and hasn’t wavered a bit in saying this is his last fight,” sabi ni Stephen Espinoza, executive vice president at general manager ng Showtime Sports. “He’s still arguably the best fighter in the sport so it’s somewhat surprising for him to step away now but I’ve never heard him say anything other than this will be his last.”
Hindi pinansin ni Espinoza ang mga nagsasabing mismatch ang laban at sinabi din niyang nahirapan sila sa pagsasaayos ng laban sana kontra kay British Amir Khan at wala na rin daw ibang pagpipilian.
Hinintay muna ni Mayweather na maayos ang lahat ng detalye sa kanilang laban ni Berto na gagawin sa MGM Grand kung saan niya ginawa ang unanimous decision win kontra kay Pacquiao, bago niya ito inanunsiyo. (DM)