MANILA, Philippines - Mas magiging kapa-na-panabik ang laban nina Manny Pacquiao at British star Amir Khan kung ito ay matutuloy sa susunod na taon.
Ito ang opinyon ni dating world light welterweight titlist Ricky Hatton kaugnay sa posibleng banggaan nina Pacquiao at Khan sa 2016 sa Dubai.
“It’s a good fight Amir Khan versus Manny Pacquiao – a chess match,” wika ni Hatton sa pa-nayam ng World Boxing News. “I think they would both try and use their speed and movement to win it.”
Isa ang 28-anyos na si Khan sa mga nasa listahan ni Bob Arum ng Top Rank Promotions para itapat sa 36-anyos na si Pacquiao bukod kay WBO light welterweight king Terrence Crawford.
Sinabi ni Hatton na mas magiging maganda ang laban nina Pacquiao at Khan kumpara sa salpukan nina Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. noong Mayo 2 kung saan nanalo ang American fighter via unanimous decision.
“It’s good that Amir wants to fight the best and I believe that Pacquiao is still one of the best,” wika ni Hatton, pinatulog ni Pacquiao sa second round noong 2009, na dating nagkampeon sa light welterweight at welterweight divisions.
Matapos ang kabiguan kay Pacquiao ay bumalik sa aksyon si Hatton noong 2012 kung saan siya pinabagsak ni Vyacheslav Senchenko sa ninth round kasunod ang kanyang pagreretiro.
Kasalukuyan namang pinapagaling ni Pacquiao ang kanyang surgery sa kanang balikat at inaasahang babalik sa boxing ring sa Pebrero o Marso ng susunod na taon.
Sakaling maplantsa ang Pacquiao-Khan fight ay hindi magsisisi ang mga boxing fans na manonood.
“I think it will be a bit of a fencing match style-wise and it’s a fight you’d pay to see, definitely,” sabi ni Hatton, isa na ring boxing promoter sa Manchester, England.
Maliban kay Pacquiao na dati niyang naging sparmate sa ilalim ni chief trainer Freddie Roach, gusto ring hamunin ni Khan ang 38-anyos na si Mayweather.