Sino si Ronda Rousey?

MANILA, Philippines - Pinag-uusapan nga-yon ang undefeated mix martial artist na si Ronda Rousey dahil muli na naman niyang pinahanga ang marami nang kanyang pabagsakin ang Brazilian na si  Bethe Correia sa loob lamang ng 34 se-conds sa kanilang  Ultimate Fighting Championship’s Women’s Bantamweight Title Fight kamakailan.

Sa mabilis na panalong ito ng mixed martial artist, judoka at artista ring si Rousey, napanatili niya ang kanyang titulo bilang tanging female bantamweight champion sa UFC na may malinis na 12-0 record.

Mabilis din niyang tinalo si Cat Zingano noong February gamit ang kanyang signature move na armbar. Ibi-nabagsak ni Rousey ang kalaban at iniipit niya ang mga braso nito sa kanyang binti at bini-bend sa siko para mapuwersang tumapik ang kalaban na hudyat ng pagsuko.

Si  Zingano ay nag-tap matapos ang 14 seconds na siyang pinakamabilis na submission sa UFC title fight, ayon sa MMA Weekly.

Bukod sa kanyang angking ganda, maraming ginawa si Rousey na first time sa mixed martial arts para sa lahat kaya naman sumikat siya sa sport na dominado ng mga lalaki.

Tinawag siyang megastar, bad-ass, beast at kinokonsidera niyang siya ang “the best fighter in the whole world” -- male or female.

Tinanong siya kung lalabanan ba niya si Floyd Mayweather Jr. at sinabi niyang lalabanan niya ito kung magkakaroon sila ng relasyon. May record kasi si Mayweather ng pambubugbog sa kanyang girlfriend.

Noong July, napili siyang Best Fighter sa ESPY award at tinalo niya si Mayweather. Sabi niya, “I wonder how Floyd feels being beat by a woman for once.”

Naging UFC champion na rin si Rousey at pambatong judoka ng United States ngunit na-bigo siyang makakuha ng gold noong 2004 Summer Olympics sa Athens.

Naka-silver siya noong 2007 world championships at bronze sa 2008 Beijing Olympics na unang medal ng Ame-rican sa judo.

Noong 2010, nag-aral siya ng boxing at muay thai techniques bago nagsimulang sumabak sa MMA circuit.

Ang nanay ni Rousey na si AnnMaria De Mars, ay ang unang American na nanalo ng gold s noong 1984 World Judo Championships sa Vienna.

Namatay naman ang kanyang tatay noong 1995  at nag-aral si Rousey ng judo sa kanyang nanay.

Show comments