MANILA, Philippines - Unti-unti nang nakikilala ang ‘Big Three’ ng Letran Knights.
Ang nangunguna dito ay si team captain Kevin Racal.
“We’re so small, I’m using K-Racs (Racal) as a four when he usually plays two or three,” sabi ni Letran rookie coach Aldin Ayo sa kanyang small forward na kumamada ng 24 points sa kanilang 77-68 panalo laban sa 2014 runner-up Arellano University noong nakaraang Biyernes para iposte ang 6-0 record sa 91st NCAA men’s basketball tournament.
Sapat na ang nasabing kabayanihan para hira-ngin si Racal bilang ACCEL Quantum-3XVI/NCAA Press Corps Player of the Week.
Nauna nang nagkaroon si Racal ng season-ending injury noong nakaraang NCAA season.
“I’m blessed that he just accepts what role is given him and never complained nor whined about it,” wika ni Ayo kay Racal na maaaring magsumite ng kanyang aplikasyon para sa darating na 2015 PBA Rookie Draft sa Agosto 23.
Tinalo ni Racal para sa nasabing karangalan ang kanyang kakamping si Rey Nambatac at sina San Beda star Art dela Cruz, Mapua import Allwell Oraeme at Emilio Aguinaldo College player Francis Munsayac.
Maliban kina Racal at Nambatac, ang isa pang bumubuo sa ‘Big Three’ ng Knights ay si point guard Mark Cruz.
Umaasa si Racal na maipagpapatuloy ng Letran ang kanilang arangkada sa hangaring makapasok sa Final Four.