Darating na si Blatche

MANILA, Philippines – Nakatakdang mag-report bukas si nine-year NBA veteran Andray Blatche para sa unang opis­yal na ensayo ng Gilas Pilipinas na ipinatawag ni na­tional coach Tab Baldwin sa Meralco gym.

Inaasahang darating sa bansa kagabi ang 28-an-yos na si Blatche kung nagawa niya ang connecting flight mula sa Miami patungong Atlanta diretso sa Seoul papunta sa Manila na nasa kanyang itinerary.

Kung hindi naman ito nasunod ay darating si Blatche sa bansa ngayong gabi.

Sinabi ni Antonio na kasama ni Blatche sa kanyang pagbabalik sa bansa ang kanyang kababatang si Bryan Extra at personal trainer na si Rory Jones na pinsan ni NBA center JaVale McGee.

Sina Extra at Jones ang kasama ni Blatche nang sumabak ang Gilas Pilipinas ni Chot Reyes sa FI­BA World Cup sa Spain noong nakaraang taon.

“Andray’s starting point was Miami but his flight to Atlanta kept getting delayed until it was cancelled,” wika ni Antonio. “So he had to switch flights to make his connection from Atlanta to Seoul.  He had to get off in Atlanta, where he is now based, to collect some stuff to bring to Manila.  So we couldn’t be sure if he could make the original connection.  It was either Andray would arrive late Saturday evening or late Sunday evening but we expect him to be at coach Tab’s first official practice (bukas).”

Pinabulaanan din ni Antonio ang naunang report na pinipigilan si Blatche ng kanyang kontrata sa Chinese league para maglaro sa Gilas.

“We don’t know where that news came from,” sabi ni Antonio. “Andray just laughed it off.”

Kamakailan ay pumirma si Blatche ng three-year, $7.5 million contract sa Xinjiang Flying Tigers sa Chinese league para sa darating na season.

Inilalaro ang Chinese league mula Nobyembre hanggang Marso.

Sinabi ni Antonio na wala pang pag-uusap ukol sa pagkatawan ni Blatche sa Gilas Pilipinas sa Olympic qualifying tournament para sa mga wildcards isang buwan bago ang 2016 Rio de Janeiro Summer Games.

Tanging ang kampeon sa 2015 FIBA Asia Championships ang kakatawan sa buong Asya sa 2016 Rio Olympics. Ang second at third placers ay iimbitahang maglaro sa Olympic qualifying tour­nament kasama ang mga finishers mula sa Africa, Europe, Oceania at Americas.

Tatalakayin ngayong linggo ang paghahanda ng Gilas para sa 2015 FIBA Asia Championships at ihahayag bukas ng SBP at ng PBA ang national pool na may 16-20 players. (QH)

Show comments