MANILA, Philippines - Tila hindi na mapi-pigilan ang mga Knights.
Dumiretso ang Letran sa kanilang pang-anim na sunod na pa-nalo matapos talunin ang Arellano University, 77-68, para patuloy na pamunuan ang 91st NCAA men’s basketball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Kumolekta si forward Kevin Racal ng season-high na 24 puntos, habang nagdagdag si Rey Nambatac ng 13 points at 10 rebounds at nagtala si guard Mark Cruz ng 9 markers para muling banderahan ang Knights kasabay ng pagpigil sa four-game winning streak ng Chiefs.
Isang 20-8 atake ang ginawa ng Letran, ang siyam dito ay mula kay Racal, para malayo sa Arellano sa 62-48 papasok sa fourth quarter.
Tatlong three-point shots naman ang isinalpak ni Zach Nicholls para idikit ang Chiefs sa 68-71 agwat sa huling dala-wang minuto ng laro.
Ngunit pinigilan ni Cruz ang paglapit ng Arellano nang kumonekta ng tres para sa 74-68 abante ng Knights.
Samantala, nakabalik sa kanilang porma ang Mapua Cardinals matapos maisuko ang itinayong 43-point lead sa first half para talunin ang Lyceum Pirates, 109-95.
Nakalapit ang Pirates sa pitong puntos sa hu-ling dalawang minuto ng fourth quarter bago sinelyuhan ng Cardinals ang kanilang ikatlong panalo.
Kumolekta si import Allwell Oraeme ng 26 points, 20 rebounds at 5 blocks at nagdagdag si Josan Nimes ng 24 points para sa Mapua, ibinaon ang Lyceum sa 64-21 sa second period.
Nakamit naman ng Emilio Aguinaldo College Generals ang kauna-unahan nilang panalo matapos gitlain ang San Sebastian Stags, 77-71.
Humakot si Laminou Hamadou ng 18 points at 12 rebounds at nagdagdag si Sidney Onwubere ng 13 points at 14 rebounds para sa 1-5 baraha ng Generals.
Pinamunuan ni Michael Calisaan ang Stags sa kanyang 19 points at 10 rebounds.