MANILA, Philippines - Ibinigay na ng Philippine Olympic Committee (POC) ang kanilang basbas sa Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) para maging opisyal na National Sports Association (NSA) sa nasabing team sport.
Ang basbas ay ibinigay ng POC sa LVPI sa isinagawang General Assembly meeting noong Miyerkules sa Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City.
Kinilala ang LVPI sa bisa ng re-kognisyon na ibinigay ng international volleyball body na FIVB sa isang pagpupulong ng FIVB Board of Admi-nistration noon pang Mayo 18 sa Lausanne, Switzerland.
Binigyan pagpapahalaga rin ng POC ang ginawang pagsali ng Pilipinas sa malalaking international tournaments sa volleyball sa pangunguna ng South East Asian Games noong Hunyo para tulu-yang palitan na ang dating NSA na Philippine Volleyball Federation (PVF).
Ang opisyal na basbas sa LVPI ay magreresulta na rin upang makakuha ang asosasyong pina-ngungunahan ni Jose Romasanta ng pondo mula sa Philippine Sports Commission (PSC).
Ngayong kinikilala na bilang NSA sa volleyball, mailalatag na ng LVPI ang mga planong programa, kasama rito ang pagbuo ng national teams at paglatag ng mga palaro sa hanga-ring tumukoy pa ng mahuhusay na manlalaro sa ibang lugar sa bansa.