MANILA, Philippines – Nakatakdang bumiyahe ngayong araw patungong Singapore ang 67-man PSL tankers para sumabak sa 2015 Singapore Invitational Swimming Championship simula sa Agosto 1 hanggang 4 sa Singapore Island Country Club (SICC).
Ang delegasyon ay pamumunuan ni PSL President Susan Papa kasama sina Secretary General Maria Susan Benasa at mga coaches na sina Alex Papa at Marlon Dula.
Kumpiyansa ang PSL tankers na maidedepensa nila ang overall title na dalawang taon na nilang hawak dahil na rin sa mga matitinding exposures at tournament na sinalihan ngayong taon.
Sumisid ang PSL swimmers ng kabuuang 69 ginto, 55 pilak at 37 tansong medalya noong nakaraang taong edisyon ng torneong ito.
Mangunguna sa kampanya ng Pinas ang mga beteranong sina Sean Terence Zamora, Kyla Soguilon, Marc Bryan Dula, Micaela Jasmine Mojdeh, Stephen Guzman, Paul Christian Cusing, Martin Jacob Pupos, Charize Esmero, Aalia Jaire Espejo at Aubrey Tom.
“This is a great venue and competing with a great team. Joseph Schooling, the winner of nine gold medals in last Southeast Asian Games came from SICC and Sean Terrence Zamora will try to break the records that Schooling holds,” wika ni PSL President Susan Papa.
Magtatangka rin na mag-uwi ng medalya sina Rio Lorenzo Malapitan, Ferdinand Ian Trinidad, Lowestein Julian Lazaro, Pia Loy, Robby Loy, Jason Mirabueno, Aron Romey, Nigel Romey, Aubrey Ybanez, Andrea Ybanez at James Young.
Ang iba pang miyembro ng delegasyon ay sina Stephen Abalos, Carl Adones, Danica Alba, Isis Arnaldo, Hannah Ataza, Jayani Balutan, Meynard Bautista, Nicollete Belgica, Janelle Blanch Isabella Buniel, Lee Cabral, Tricia Capistrano, Sophia Castillo, Joanna Cervas, Riandrea Chico, Maxine Dalmacio, Gianna Data Joey Del Rosario, Jine Deligero, Sophia Estrada, Marcus Faytaren, Samantha Lachica at Mark Marajucom.
Kasama rin sina John Andre Mendoza, Gian Nunez, Jason Ong, Jenny Ong, Karl Pastoril, Edward Princillo, Philip Princillo, Hans Reyes, Alecsandra Rivera, Edgar Roberto, John Salibio, Vincent Samaniego, Santien Santos, Judi Segotier, Albert Sermonia, Jewel Sermonia, Jay Tecson, Ed Tolentino, Jake Torrelino, Christine Townend, Luis Ventura at Shyne Villagomeza.
Ang SICC ang siyang parehong venue na ginamit ng Olympic multi-gold medalist na si Michael Phelps noong naghahanda ito para sa 2008 Beijing Olympic Games.