Pinay softbelles sasabak sa Big League World Series
MANILA, Philippines - Malaki ang pag-asa ng Philippine softball team na nakatakdang lumahok sa Big League World Series na mabawi ang titulong napanalunan nila, tatlong taon na ang nakakaraan.
Sinabi ni Coach Ana Santiago na ang pagkakaroon ng sapat na preparas-yon at pondo ay sapat na dahilan para maging positibo siya sa kampanya ng national squad na kakatawin ng core group ng reigning five-peat UAAP champions Adamson Lady Falcons.
“Yes of course,” sabi ng veteran mentor nang tanungin sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate kahapon na kung sa palagay niya ay makakarating sa semifinals ang team.
Noong nakaraang taon, ang mga Filipina softbelles ay tumapos bilang fourth na sa tingin ni Santiago ay mahihigitan nila ngayon dahil majority ng kanilang members sa team ay kasama sa nanalo ng gold sa 28th Southeast Asian Games kamakailan sa Singapore.
“Yung training na ginawa namin and sacrifices ng mga bata, I believe they deserve to be in the semis, and of course, in the finals,” sabi ni Santiago na sinamahan sa session na suportado ng San Miguel Corp., Accel, Shakey’s at Philippine Amusement and Gaming Corp., ng ilang miyembro ng koponan.
Malakas ang tsansa ng Pinay softbelles na manalo dahil kay pitcher Mary Ann Antolihao.
“Sa softball, alam naman natin ang first line of defense natin is pitcher. And ngayon, mas preparado kami (pitchers),” sabi ni Santiago na nagpapasalamat sa pinansiyal na suporta nina Manila Mayor Erap Estrada at Vice-Mayor Isko Moreno sa team.
Ang team ay aalis patungong Sussex County, Delaware nga-yong umaga.
- Latest