CLEVELAND — Nakagawa ng paraan si Matthew Dellavedova para makabalik sa Cavaliers.
Pumirma nitong Lunes si Dellavedova, naging postseason hero ng Cavs nang magkaroon ng injury si All-Star guard Kyrie Irving ng $1.2 million contract para sa susunod na seasaon.
Siya ay naging restricted free agent at bagama’t kinuha ng Cavs si Mo Williams nitong summer para maging backup ni Irving, inalok pa rin ng Cavs si Dellavedova dahil sa kanyang energy off the bench.
Tinanggap ni Dellavedova ang qualifying offer ng Cavs at maaari siyang maging unrestricted free agent sa susunod na summer kapag tumaas na uli ang salary cap.
Kumita siya ng $816,000 noong nakaraang season.
Naging starter si Dellavedova sa 13 games sa re-gular season, ngunit mas lumaki ang role niya sa playoffs dahil humina si Irving bunga ng injuries.
Samantala, nakipag-trade ang Cleveland sa Portland para kina forward Mike Miller at center Brendan Haywood upang lumuwag ang salarycap at makatipid sa luxury-tax.
Matagal nang hina-hanapan ng Cavs ng trade si Haywood na may mag-e-expire na $10.5 million contract at nakasundo nila ang Blazers na makakakuha naman ng dalawang second-round picks sa Cleveland.