CLEVELAND – Muling pinapirma ng Cavaliers si small forward James Jones, nagbigay ng leadership at long-range shooting para sa Eastern Conference champions sa nakaraang season.
Tatanggap si Jones ng veteran’s minimum contract sa Cavaliers para sa darating na season.
Sa kanyang 20 postseason games, nagposte ang 12-year veteran na si Jones ng ave-rage na 4.4 points sa loob ng 15.6 minuto.
Lumagda si James sa Cleveland matapos makasabay si LeBron James sa Miami Heat.
Kaugnay nito, interesado rin ang Cavaliers na muling papirmahin sina restricted free agent forward Tristan Thompson at guard Matthew Dellavedova bukod pa kay unrestricted free agent guard J.R. Smith.
Sa Portland, kinuha ng Portland Trail Blazers sina guard Phil Pressey at forward Cliff Alexander.