MANILA, Philippines - Matapos ang kabiguan sa unang laro ay dumiretso ang Arellano University sa kanilang ikaapat na sunod na ratsada.
Tumipa si Dioncee Holts ng 21 points para banderahan ang Chiefs sa 104-92 paggupo sa San Sebastian Stags at sumosyo sa ikalawang puwesto sa 91st NCAA men’s basketball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Nagdagdag sina Zach Nicholls, Donald Gumaru, Allan Enriquez at Michael Salado ng tig-13 markers, habang nagtala si Jio Jalalon ng season-high na 16 assists para sa pagsalo ng Arellano sa five-peat champions na San Beda at Perpetual Help sa pangalawang posisyon.
Samantala, ipinakita ni Tey Teodoro ang kanyang tunay na kakayahan nang kumamada ng 25 points, tampok dito ang 16 sunod na puntos sa huling anim na minuto ng fourth quarter, para igiya ang Heavy Bombers sa 75-60 paglumpo sa Lyceum Pirates sa 91st NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Ito ang unang back-to-back wins ng Jose Rizal ni coach Vergel Meneses.
Angat sa 57-51 sa hu-ling anim na minuto ng final canto, sinolo ni Teodoro ang arangkada ng Heavy Bombers sa kanyang 16-0 atake para tuluyang ipagpag ang Pirates.
Sa unang laro, nagsalansan ang Mapua Cardinals ng kabuuang 30 assists para patumbahin ang Generals ng Emilio Aguinaldo College, 101-72 at ilista ang kanilang ikalawang panalo sa limang laro.
Nalasap naman ng Generals ang kanilang pang-limang sunod na talo.
Sa juniors’ division, tinalo ng Mapua Red Ro-bins ang EAC Brigadiers, 88-80 para sa kanilang 4-1 kartada, habang binigo ng Lyceum Junior Pirates ang Jose Rizal Light Bombers, 81-73 sa overtime para sa 3-2 baraha nito.
MAPUA 101 - Nimes 18, Que 17, Serrano 16, Biteng 12, Isit 12, Nieles 7, Menina 6, Aguirre 5, Oraeme 4, Villasenor 2, Dela Rosa 2, Layug 0, Raflores 0.
EAC 72 - Hamadou 16, Munsayac 15, Onwubere 13, Pascua 11, General 8, Mejos 5, Diego 4, Bonleon 0, Estacio 0.
Quarterscores: 15-14; 45-33; 72-54; 101-72.
JOSE RIZAL 75 - Teo-doro 25, Pontejos 10, Dela Virgen 9, Poutouochi 6, Astilla 5, Estrella 5, Cruz 4, dela Paz 3, Lasquety 2, Abdulwahab 2, Balagtas 2, Grospe 2, Sanchez 0.
Lyceum 60 - Gabayni 15, Nguidjol 13, Alanes 10, Mbida 7, Baltazar 4, Lugo 4, Taladua 3, Soliman 2, Ayaay 2, Malabanan 0, Marata 0, Lacastesantos 0, Bulawan 0.
Quarterscores: 21-10; 37-29; 50-40; 75-60.
Arellano 104- Holts 21, Nicholls 13, Gumaru 13, Enriquez 13, Salado 13, Jalalon 8, Ortega 5, Bangga 4, Meca 3, Cadavis 2, Ongolo 0, Tano 0.
San Sebastian 92- Guinto 26, Calisaan 20, Ortuoste 17, Costelo 9, Pretta 9, Fabian 5, Bragais 2, David 2, Mercado 2, Sibal 0, Vera 0, Capobres 0.
Quarterscores: 23-21; 43-39; 69-66; 104-92.