OKLAHOMA CITY – Sumailalim si Thunder star Kevin Durant sa bone graft surgery sa kanyang kanang paa at umaasa ang Oklahoma City na maka-kabalik siya sa kanyang basketball activities sa loob ng apat hanggang anim na buwan.
Sinabi ng Thunder sa isang statement na ginawa ang operasyon kay Durant sa Hospital for Special Surgery sa New York.
Ito ang ikatlong operasyon ng reigning MVP sa kanyang kanang paa. Ang una ay noong Oktubre at ang ikalawa ay noong Disyembre.
Isang turnilyo na kumikiskis sa kanyang buto ang inalis noong Pebrero at inaasahang makakabalik si Durant sa loob ng dalawang linggo.
Ngunit muling sumakit ang paa ni Durant at kumunsulta sa tatlong foot at ankle specialists.
Nagkasundo sila sa bone graft surgery matapos magpulong.
Nakita si Durant sa 27 games ngayong season at nagtala ng mga averages na 25.4 points, 6.6 rebounds at 4.1 assists.
Sinabi ni Thunder coach Scott Brooks na si Durant ay kanyang naging tila assistant coach sa sideline.
“It hasn’t been easy on KD, but he has really established himself as a better leader than ever, because when you’re not playing, it’s hard to stay locked in and engaged on the team,’’ wika ni Brooks. “But he has done a great job of continuing to communicate with our guys and help our guys along.’’
Nasa posisyon ang Oklahoma City na makapasok sa playoffs nang wala si Durant.