Commodores’ Cup Regatta ng SAGS

MANILA, Philippines - Ang Saturday Afternoon Gentlemen Sailing (SAGS) Club ay magdaraos ng Commodores’ Cup Regatta sa April 7-9 sa pakikipagtulungan ng The Lighthouse Marina Resort at Philippine Sailing Association (PSA).

Inaasahang lalahok ang defending na IRC Racing champion na Jelik ni Frank Pong ng Hong Kong at IRC Cruiser B winner na Selma ni Ricky Sandoval sa two-day sailing event, ayon kay PSA vice chairman Jun Avecilla.

Ang inshore races ay inorganisa ng Saturday SAGS Club bilang bahagi ng Asian Yachting Grand Prix sa pakikipagtulungan ng Watercraft Ventures, Inc., Standard Insurance at ng Department of Tourism.

Ang karera na magsisimula sa Hong Kong ay magtatapos sa San Fernando, La Union (480 nautical miles).

Ayon kay Avecilla, ang Commodore’s Cup ay may iba’t ibang karera para sa iba’t ibang training boats na Optimists, Flying 15, 420s at Streakers.

Show comments