MANILA, Philippines - Naunsiyami ang hangarin ng Philippine Azkals na magsimula sa panalo ang kampanya sa 2015 nang isuko ang 1-2 kabiguan sa Al Muharraq ng Bahrain sa gina-wang FIFA International Friendly match noong Lunes ng gabi sa Bahrain National Stadium.
Umiskor agad ang home team matapos lamang ang 28 minuto na naihatid ni Faouzi Aaish bago ibi-nigay ni Abdula Yaser ang ikalawang goal laban sa Azkals goalie na si Roland Muller makalipas lamang ang dalawang minuto.
Sa second half ay nagsimula nang uminit ang laro ng Azkals at sa 61st minute ay nakapuntos si Manny Ott.
May mga pagkakataon pa ang Azkals na makaiskor sa laro pero maganda ang depensa ng home team para makuha ang panalo.
Dalawang attempts sa huling mga minuto ng labanan ang ginawa ni Mark Hartmann pero wala sa kanya ang suwerte.
“Quality of finishing spelling the difference in this game. Otherwise, we’ve held our won and actually have had more chances,” wika ni Azkals team ma-nager Dan Palami sa kanyang twitter account.
Ang friendly match ang tumapos sa isang linggong pamamalagi ng 23-kataong Azkals sa Bahrain na kung saan sumailalim din sila sa training camp para mapag-aralan ang istilo na nais na makita ni American coach Thomas Dooley.
Naghahanda ang Azkals para sa second round ng World Cup qualifiers na katatampukan ng 40 bansa at ang aksyon ay magsisimula sa Hunyo.
Ang draw ay gagawin sa Abril 14 sa JW Marriott Hotel sa Kuala Lumpur, Malaysia. (AT)