^

PM Sports

Ateneo- NU spikers sasandalan ng Cagayan versus Cignal

Pang-masa

MANILA, Philippines - Makikita kung paano magkakatulungan ang mga manlalaro ng Ateneo at National University sa pagtutuos ng Cagayan Valley Rising Suns at Cignal HD Spikers sa pagsisimula ng Spikers’ Turf sa Linggo  (Abril 5) sa The Arena sa San Juan City.

Ang Eagles at Bulldogs ang nagtuos sa championship sa UAAP men’s volleyball at nanalo ang una sa huli.

Ang kamador ng Ateneo na si Marck Jesus Espejo na MVP ng UAAP sa huling dalawang taon ay makikipagsa-nib-puwersa kay Peter Torres ng Bulldogs para sa hangaring tagumpay ng Cagayan sa walong koponang liga na inorganisa ng Sports Vision.

Ang laro ay magsisimula sa ganap na ika-9 ng umaga at ang Cignal ay ibabandera nina Reyson Fuentes, Alexis Faytaren, Jay dela Cruz at Lorenzo Capate Jr.

Ito lamang ang larong mapapanood sa pagbubukas ng Spikers’ Turf na handog ng PLDT Home Ultera at may ayuda pa ng Mikasa.

Ang anim na ibang koponan ay palaban din dahil nakuha nila ang iba pang matitikas na manla-laro sa kalalakihan.

Ang Instituto Estetico Manila Volley Masters na magtatangka na makuha ang ikalawang men’s title matapos pangunahan ang men’s division ng Shakey’s V-League noong nakaraang conference ay ibabandera ng MVP na si Jeffrey Jimenez bukod kina Jason Canlas at Ian Dela Calzada. (AT)

ALEXIS FAYTAREN

ANG

ANG EAGLES

ANG INSTITUTO ESTETICO MANILA VOLLEY MASTERS

ATENEO

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

CIGNAL

HOME ULTERA

IAN DELA CALZADA

JASON CANLAS

JEFFREY JIMENEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with