MANILA, Philippines – Nakabangon agad ang Hapee Fresh Fighters mula sa paglasap ng unang pagkatalo sa kumbinsidong 74-50 panalo sa baguhang ATC Liver Marin sa PBA D-League Foundations’ Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Binuksan ng Aspirants’ Cup champion na Fresh Fighters ang laro sa pamamagitan ng 17-6 at mula rito ay hindi na pinagbigyan pa ang katunggali na makaporma para matabunan ang nalasap na 61-64 pagkatalo sa Jumbo Plastic Giants sa unang asignatura.
Si Troy Rosario ay mayroong 20 puntos, sa 10-of-15 shooting, bukod sa siyam na rebounds habang si Earl Scottie Thompson ay naghatid pa ng 11 puntos, 11 rebounds at anim na assists.
Naghati sa 22 puntos sina Chris Newsome at baguhang si Mark Romero para sa balanseng pag-atake ng Hapee.
“Nag-a-adjust pa dahil maraming bago. Mahalaga ito sa amin pang-confidence booster,” wika ni Hapee coach Ronnie Magsanoc na nabawasan ng puwersa sa paglisan ng mga San Beda players dahil sa napipintong paghahanda sa NCAA.
Nauna rito ay nailusot ng AMA University Titans ang 76-74 panalo sa Tanduay Light Rhum Masters nang maisalpak ni Jay-R Taganas ang jumper sa huling 2.2 segundo.
May 17 puntos at 11 rebounds ang 6’4” na da-ting San Beda player at sinamantala niya ang pagkakalibre para sa 15-footer tungo sa ikalawang panalo matapos ang tatlong laro ng Titans.
Lumamang ng hanggang 16 puntos ang Rhum Masters sa unang yugto, 27-11 pero para silang nauupos na kandila dahil lumambot ang kanilang paglalaro.
Si Marcy Arellano ang nagpatabla sa iskor na 74-all sa split bago sumablay si Aljon Mariano sa krusyal na buslo, may 3.9 segundo sa orasan.
Naispatan ni Jarelan Tampus ang nalibreng si Taganas na nakahugot pa ng foul kay Raymund Ilagan. Sablay ang extra free throw ni Taganas pero kinulang ang nalalabing 2.2 segundo para malaglag ang Tanduay sa ikala-wang pagkatalo matapos ang tatlong laro.
AMA University 76 – Taganas 16, Maiquez 14, Tampus 11, Martinez 11, Arellano 9, King 3.
Tanduay Light 74 – Sumang 13, Escueta 11, Maria-no 11, Jumao-as 9, Ilagan 6, Mandani 5, Santos 4, Belencion 4, Foronda 3, Tagarda 2, Cenal 2, Roño 2.
Quarterscores: 11-27; 37-39; 58-56; 76-74.
Hapee 74 – Rosario 20, Thompson 11, Newsome 11, Romero 11, Bringas 8, Long 6, Villahermosa 3, Hayes 2, Lopez 2.
Liver Marin 50 – Dela Cruz 8, Bangga 7, Balucanag 6, Ignacio 5, De Vera 5, Ortuoste 5, Guinto 4, Mag-isa 4, Fabian 2, Calisan 2, Rios 1.
Quarterscores: 23-14; 36-25; 56-32; 74-50.