Miss Brulay bumandera sa Philracom 3YO Local Fillies

MANILA, Philippines – Pinagharian ng nadehadong Miss Brulay ang pinaglabanang 2015 Philracom 3 YO Local Fillies noong Sabado sa Metro Turf sa  Malvar, Batangas.

Sa 1,400-metro distansya, pinaglabanan ang 2015 Philracom 3-YO Local Fillies at nagawang kuminang ang kabayong sakay ni Kevin Abobo sa karerang suportado ng Philracom at sinahugan ng P500,000.00 gantimpala.

Limang kabayo ang nagpang-abot sa karera na kung saan ay ginantimpalaan ng  P300,000.00 ang nanalong kabayo na Miss Brulay.

Palaban ang lahat ng sumali sa tampok na karera at ang naunang nagpasiklab ay ang Superv sa  pagdadala ni IL Aguila.

Nagpakita rin ng mainit na laban ang Song Of Songs at  Princess Ella para magkaroon ng mainitang laban ang stake race.

Pero kondisyon ang kabayong sakay ni Kevin Abobo at sa rekta ay bumulusok ito para pangunahan ang karera kasunod ng Superv.

Bukod sa magandang gantimpala, ang panalo ng Miss Brulay ay naglagay sa kabayo bilang posibleng palaban para sa 2015 Triple Crown Championship.

Ang lumabas na liyamadong kabayo ay ang Ilocos Magic na dinomina ang 1,400-metro MARHO-MMTCI Minsk Trophy race.

Masasabing hindi nasukat ang Ilocos Magic dahil angat ito sa grupo para magkaroon lamang ng P5.00 dibidendo sa win.

Show comments