CHARLOTTEE – Ngayon pa lamang ay naghahanda na ang Atlanta Hawks para sa NBA Playoffs.
Sa katunayan ay pinahinga ng Hawks ang kanilang mga starters na sina DeMarre Carroll, Kyle Korver, Al Horford at Paul Millsap sa kanilang 100-115 kabiguan sa Hornets.
Si point guard Jeff Teague ay hindi naglaro dahil sa sprained ankle.
Natalo ang Atlanta sa kabila ng kanilang 15-of-30 shooting sa three-point range.
“Defensively was where there was the most slippage, but they played the way we want to play and did a lot of things,’’ sabi ni Hawsks coach Mike Budenholzer sa kanilang laro laban sa Charlotte.