Laro Ngayon (Alonte Sports Arena Biñan, Laguna)
4:15 pm – Petron vs Foton
6:15 pm – Shopinas vs Mane ‘N Tail
MANILA, Philippines – Maghaharap ang mga bigating Petron at Foton para sa maagang kalamangan habang sisimulan ng Shopinas at Mane ‘N Tail ang kanilang kampanya sa pagpapatuloy ng 2015 Philippine Superliga (PSL) wo-men’s volleyball tournament All-Filipino Conference sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.
Tangka ng Blaze Spikers ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pakikipagharap sa Tornadoes sa alas-4:15 ng hapon habang magsasagupa ang Lady Clickers at Lady Stallions sa alas-6:15 ng gabi sa inter-club na ito na suportado ng Asics, Mikasa, Senoh, Mueller Sports Medicine, Via Mare, LGR at Healthway Medical.
Dala ang mga pambatong players ng po-werhouse De La Salle University ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP), papasok ang Shopinas sa liga na mataas ang ekspektasyon dahil ang koponan ay pangungunahan nina Cha Cruz, Stephanie Mercado at Michelle Laborte ay nagkalaro sa nakaraang dalawang finals showdown.
Ang koponang da-ting kinilalang AirAsia ay pumasok sa finals bago yumukod sa Philippine Army sa All-Filipino Conference noong nakaraang taon. Sa Grand Prix kung saan dala nila ang pangalang Generika, tumapos silang runner-up sa likod ng Petron.
Sa taong ito, nais ng Shopinas na mabago ang kuwento ng kanilang pagtatapos.
Ang Lady Clickers ay magmamartsa na ‘di kasama ang kanilang lead spikers na sina Aby Maraño at Michelle Gumabao gayundin si defense specialist Melissa Gohing na mala-king butas sa rotation ni coach Ramil de Jesus.
Si Maraño, second overall pick sa PSL Rookie Draft noong nakaraang taon ay sumama sa star-studded team ng Petron habang si Gumabao at Gohing ay nasa Philips Gold.
“It’s going to be a very challenging season for us,” sabi ni De Jesus, ang utak sa pamamayagpag ng La Salle sa UAAP. “We have to work doubly hard to overcome the loss of our three key players. The only good thing, however, is that we could give other young players their time to shine. I know they are all capable of stepping up.”