^

PM Sports

May pag-asa ang archery sa Singapore SEA Games

Pang-masa

MANILA, Philippines - May magandang hinaharap ang archery sa gaganaping SEA Games sa Singapore.

Mataas ang kumpiyansa ng mga opisyales ng Philippine Archers National Network and Alliance, Inc. (PANNA) sa pangunguna ng pangulong si Fede-rico Moreno matapos ang magandang ipinakita ng archery team sa Asian Archery Cup sa Bangkok, Thailand kamakailan.

Tumapos sa ikatlong puwesto sa overall ang Pilipinas sa 11 koponang sumali bitbit ang dalawang ginto at isang pilak na medalya.

Ang nagbabalik na si 2007 Thailand SEAG double gold medalists Amaya Paz-Cojuangco ay nakasama nina Jennifer Chan at bagitong si Andrea Robles na nagkampeon sa women’s compound team bago nakipagtulungan si Paz-Cojuangco kay Jeff Adriano para sa Mixed team event.

Si Paz-Cojuangco ay naghatid din ng pilak sa women’s individual event.

“We’re optimistic that we will surpass our medals won in the last SEA Games because we are sending strong compound and recurve teams. Our men’s compound is the defending team champion  and we are looking at least for two gold medals and eight total me-dals,” wika ni Moreno sa presentasyon ng mga nagwa-ging archers sa Aristocrat sa Roxas Boulevard kahapon.

 Nanalo ang Pilipinas ng isang ginto isang bronze medal sa Myanmar at naka-bronze at sina Earl Benjamin Yap, Ian Chipeco at Delfin Anthony Adriano na magkakasama sa men’s team habang si Yap ay humakot pa ng bronze sa individual event.

Bukod sa SEAG ay lalaro pa ang Pilipinas sa World Olympic qualifying sa Denmark sa Hulyo at sa Continental championships sa Bangkok sa Nobyembre.

Inihayag naman ni Paz ang kahandaan ng wo-men’s compound team na tumulong sa paghakot ng medalya sa Singapore Games.

“The showing of the women’s compound team tells us we have a good chance in Singapore. I am looking forward to another gold medal in June,” wika ni Paz na namahinga matapos ang 2007 SEAG dahil nagkapamilya na. (AT)

AMAYA PAZ-COJUANGCO

ANDREA ROBLES

ASIAN ARCHERY CUP

DELFIN ANTHONY ADRIANO

EARL BENJAMIN YAP

IAN CHIPECO

JEFF ADRIANO

JENNIFER CHAN

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with