AUBURN HILLS, Mich. – Nagtala si Reggie Jackson ng 23 points at career-high na 20 assists nang tapusin ng Pistons ang 10-game matapos ang come-back victory kontra sa Grizzlies.
Naghahabol ang Pistons ng 15-puntos sa halftime ngunit dinomina ni Jackson si Beno Udrih na naging starting point guard kapalit ng injured na si Mike Conley (ankle).
Pinangunahan ni Jeff Green ang Memphis sa kanyang 21 points habang si Marc Gasol ay may 17 points at 11 rebounds. Tumapos si Andre Drummond ng 16 points at 16 rebounds para sa Detroit.
Sa Los Angeles, umiskor si J.J. Redick ng 23 points, nagtala si Chris Paul ng 20 points at eight assists nang igupo ng LA Clippers ang Charlotte Hornets, 99-92.
Lumamang ang Clippers sa 63-41, 10 minuto na lang ang natitira sa third quarter bago nakalapit ang Hornets sa isang puntos na lamang.
Nagtala si Blake Griffin ng 19 points at 11 rebounds para sa Clippers na galing sa back-to-back losses kontra sa Dallas at Houston.
Tumapos si DeAndre Jordan ng 12 points at 14 boards sa loob ng 33 minutong paglalaro.
Sa Houston, kumamada si Donatas Motiejunas ng 23 points at ginamit ng Rockets ang malaking run sa fourth quarter para makalayo sa mahigpitang laban at igupo ang Magic.
Ang driving layup ni Victor Oladipo ang nag-lapit sa Magic ng hanggang 2-puntos na lamang, may limang minuto ang natitira bago gamitin ng Rockets ang 13-0 run, tampok ang tatlong 3-pointers para sa 107-92.