DAVAO del Norte, Philippines – Handa na ang mga titirahan ng tinatayang 10,000 atleta at opisyal para sa nalalapit na 2015 Pala-rong Pambansa na iho-host ng Davao del Norte sa May 3- 9.
“We are proud to say that every billeting center is “Ready For Occupancy!” pahayag ni Davao del Norte Governor Rodolfo del Rosario. “Similar with our playing ve-nues, we are ready to host the Palaro anytime, even tomorrow.”
Kakaiba ang hosting ng Davao del Norte dahil malapit sa Davao del Norte Sports Complex ang mga billeting facilities, ayon kay Del Rosario.
“Travel time from the billeting areas to the competition venues and back will be convenient to everyone,” paliwanag ni Del Rosario.
Naglagay ng road safety rule na maximum 35 kph sa paligid ng mga venues at 60 kph sa mga kalapit na lugar para bigyang daan ang mas mabilis na biyahe ng mga atleta at officials papuntang venues.
Sa 22 billeting facilities, tatlo lang ang nasa 5-km radius mula sa sports complex.
“The athletes could just even walk to the competition if they would desire to,” sabi ni Del Rosario.
Magkakaroon ng kompetisyon sa 18 sports sa Davao del Norte Pa-laro. Lahat ng 17 regions ay may kinatawan sa annual competition para sa mga athletes sa primary at secondary level.