Masasabi natin ngayon na hindi na basketball lamang ang centerpiece event ng UAAP.
Malaki na rin ang following ng kanilang wo-men’s volleyball.
Dati-rati ay puro mga basketball players lang ang sikat sa UAAP pero ngayon, marami na ring fans ang mga babaeng volleyball players.
Kilalang-kilala na ang mga pangalang Alyssa Valdez, Ara Galang, Jaja at Dindin Santiago, Mika Reyes, at iba pa.
* * *
Salamat sa pagtitiyaga ng Shakey’s V-League, isang women’s collegiate league na nagsikap sa pagbibigay-buhay sa volleyball.
Sampung taon na ang nakakaraan sapul nang itatag ang Shakey’s V-League kung saan nahasa ng husto ang mga women’s volleyball teams mula sa UAAP at NCAA at may mga corporate club at iba pang non-collegiate teams na rin ang sumasali. Mayroon na ring men’s division ang Shakey’s V-League.
* * *
Dahil sa pagsikat ng women’s volleyball, ipinanganak naman ang Philippine SuperLiga na isang corporate club volleyball league noong 2013.
Layunin ng ligang ito na bigyan ang mga da-ting collegiate players na ipagpatuloy ang kanilang volleyball career.
Kaya kahit matapos na ang playing years nina Valdez, Galang, Santiago at iba pa sa UAAP, masusundan pa rin sila ng kanilang mga fans kung maglalaro ang mga ito sa PSL.