MANILA, Philippines – Tumapos sa magkatulad na 27th puwesto sina Rafael Poliquit Jr. at Mary Joy Tabal sa isinagawang 2015 Los Angeles Marathon kahapon.
Naorasan ang 26-an-yos na si Poliquit ng dalawang oras, 36 minuto at 16 segundo habang ang 25-anyos na si Tabal ay may 2:51:24 tiyempo.
Nakasali sa karerang ito sina Poliquit at Tabal na miyembro ng national team na inaasahang maglalaro sa Singapore SEA Games ngayong Hunyo dahil bahagi ito ng kanilang gantimpala nang kilalanin bilang King at Queen sa 2014 National Milo Marathon Finals noong Disyembre.
Ito ang unang 42.195-k race nina Poliquit at Tabal at tiyak na mapapababa pa nila ang kanilang tiyempo lalo pa’t makakatulong ng PATAFA ang beteranong American coach sa marathon na si Dick Beardsley.
May 26,000 marathoners ang sumali at marami ang hindi nakatapos dahil sa sobrang init. (AT)