MANILA, Philippines – Sa pagdiriwang ng kanyang ika-27 taon ay tumanggap din siya ng cake at bagong sneakers.
Nagposte si Curry ng 25 points at 11 assists at tinalo ng Warriors ang New York Knicks, 125-94 para sa kanilang pang-walong sunod na home victory.
Inalayan si Curry ng “Happy Birthday’’ song ng kanilang mga fans sa isang timeout ng Golden State.
“It was a fun night all the way around,’’ sabi ni Curry. “It’s special that they’re having fun.’’
Tinapos ni Curry ang first half sa pamamagitan ng 3-pointer at nagtala ng 6-of-10 shooting sa three-point range.
Nagdagdag si Klay Thompson ng 27 points, tampok dito ang anim na tres at naglista ang Splash Brothers ng pinagsamang 29 points sa halftime para sa kanilang 47-point se-cond quarter.
Umiskor naman si Andrea Bargnani ng 18 points para sa Knicks kasunod ang 14 ni Alexey Shved.
Matapos mapigilan ang kanilang five-game winning streak sa Denver kung saan ipinahinga ang kanilang mga regulars, kumamada si Curry at ang Warriors para simulan ang kanilang six-game homestand.
“When those guys get hot it’s really hard to cool them off,’’ sabi ni Lance Thomas ng Knicks. “Once we took our foot off the gas defensively, that’s when they executed.’’
Sa gitna ng third period ay sumalaksak si Curry sa baseline at pinasahan si Thompson para sa tres nito.
Matapos ang ilang minuto ay muling sumagitsit si Curry para sa kanyang left-handed layup.