MANILA, Philippines - Kasalukuyang nasa Beijing si Winter Olympic veteran Michael Martinez para magsanay sa ilalim ni Russian coach/choreo-grapher Nikolai Morozov habang nagpapa-therapy ng kanyang nabugbog na kaliwang binti para sa posibleng paglahok sa World Figure Skating Cham-pionships sa Shanghai sa March 23-29.
Sinabi ni SM sports development director C. J. Suarez kamakalawa na ipinasa na ni Martinez ang kanyang entry form sa Shanghai organizers para sa short program. Ang top 24 finishers sa short program ay uusad sa freeskate na siyang final round.
Sinabi ng nanay ni Martinez na si Teresa na nasa Beijing din na magdedesisyon siya kung sasali o hindi si Martinez sa Shanghai sa susunod na linggo. “We’re hoping his condition further improves so he can compete at the World Championships,” sabi niya sa email.
Ang presensiya ni Morozov ay malinaw na indikasyon na gusto tala-gang makasali ni Martinez. Si Morozov, 39-gulang ay isang ice dancer bago nagretiro noong 1998 para mag-concentrate sa coaching. Siya ang nagdala kina Shizuka Arakawa sa 2006 Olympic gold medal at Miki Ando sa dalawang world titles. Sinabi ng nanay ni Martinez na naghanda si Morozov, naka-base sa New Jersey, ng dalawang programs para pag-aralan ng kanyang anak.
Ang karaniwang rate ng isang choreographer tulad ni Morozov’ ay $5,000 para sa three-mi-nute program at $10,000 hanggang $15,000 para sa 4 1/2 minute program.
Ayon kay Suarez, 2003 World Cup of Bowling champion, mino-monitor niya ang progreso ni Martinez na kanilang brand ambassador para sa SM skating. Noong July, pu-mirma si Martinez ng four-year contract extension sa SM na nagbigay ng budget para sa kanyang sasalihang mga competitions, training at medical expenses.