AMA diniskaril ang Liver Marin

Laro LUNES (JCSGO Gym)

1p.m. – Jumbo Plastic vs TanduayLight

3 p.m. – Cebuana Lhuillier vs Café France

 

MANILA, Philippines - Binigo ng AMA University Titans ang hanap na magandang panimula ng ATC Liver Marin-San Sebastian nang patikimin nila ito ng 89-81 pagkatalo sa pagbubukas ng PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Umarangkada agad ang Titans sa 10-2 panimula bago lumobo ito sa pinakamalaking 21 puntos, 45-24, para pagningningin ang magarang panimula.

“Masarap ang pakiramdam dahil nagbunga ang paghahanda namin,” wika ni Titans coach Mark Herrera.

Si Jerramy King ay mayroong 24 puntos habang ang iba pang starters ng AMA na si Jay-R Taganas at mga bagong hugot na sina Marcy Arellano, Joseph Terso at Dexter Maiquez ay naghatid ng 19, 12,11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sumandal naman ang Kerimix Mixers sa malakas na panimula para ilampaso ang MP Hotel, 87-60, sa ikalawang laro.

Lumayo agad ang Mixers sa 23-6 panimula at mula rito ay hindi na napahirapan sa laro ng MP Hotel.

Si Jeff VIernes ay mayroong 20 puntos para pamunuan ang apat na manlalaro na nasa double-digits para sa tropa ni coach Caloy Garcia.

“We played good defense and we worked the ball well,” wika ni Garcia. (AT)

AMA University  89 – King 24, Taganas 19, Arellano 12, Terso 11, Maiquez 10, Sison 8, Tampus 3, Martinez 2.

Liver Marin- San Sebastian College 81 – Ignacio 14, De Vera 14, Ortuoste 10, Calisaan 9, Laude 9, Dela Cruz 7, Rios 6, Balucanag 4, Ambohot 4, Costelo 3, Abad 1.

Quarterscores: 26-16; 47-34; 67-49; 89-81.

Kera Mix 87 – Viernes 20, Digregorio 14, Jamito 14, Jalalon 12, Gabawan 8, Saitanan 4, Agovida 4, Ruaya 4, Canta 4, Gil 3.

MP Hotel 60 – Nambatac 15, Colina 8, Magat 7, Cruz 7, Yaya 6, Quinto 4, Mendoza 4, Escosio 3, Luib 2, Custodio 2, Pacquioa 2.

Quarterscores: 23-6; 41-19; 73-41; 87-60.

Show comments