PSL Rookie Draft ngayon
MANILA, Philippines – Magkakaroon ng pagkakataon ang anim na maglalabang koponan sa Philippine SuperLiga All Filipino Conference na pumili ng mga manlalarong makakatulong para pala-kasin ang tsansang manalo sa isasagawang PSL Annual Rookie Draft ngayon sa SM Aura sa Taguig City.
Suportado ni Taguig City Mayor Lani Cayetano at may ayuda pa ni Congressman Lino Cayetano at SM Management, ang kaganapan ay magsisimula sa ganap na ika-4 ng hapon at ang Philips Gold (dating Mane And Tail) ang magkakaroon ng pagkakataon na unang pumili sa hanay ng mga manlalarong gustong masama sa liga.
Hindi lamang mga locals ang puwedeng pagpilian dahil may mga Fil-Americans din na tiyak na makakatulong sa koponang kukuha sa kanilang serbisyo.
Isa sa matunog na pa-ngalan ay ang 5’8” setter na si Iris Tolenada na hinirang bilang Most Valuable Player sa California Collegiate Athletic Association habang naglalaro sa San Francisco State University.
Kung siya ang papalarin, susundan niya ang yapak na ginawa ni 6’2” Dindin Santiago na siyang kauna-unahang rookie na kinuha sa makasaysayang drafting noong nakaraang taon ng Petron.
Isa pang Fil-Am na si Alexa Micek, 5’8” libero, ang inaasahang makukuha rin sa first round.
Ang mga locals ay pamumunuan nina Angeli Araneta ng UP, Desiree Dadang at Rizza Jane Mandapat ng National University at Denise La-zaro ng Ateneo.
Pipili sa ikalawang puwesto ang Foton, bago sumunod ang Cignal, Shopinas, Via Mare at Petron na siyang kampeon sa Grand Prix.
“There are no clear-cut favorites this year that makes the draft more exci-ting,” wika ni PSL president Ramon “Tats” Suzara.
Magkakaroon ng sampung araw ang draft picks na makuha agad ang istilo ng paglalaro ng koponang kabibilangan dahil sa Marso 22 ay bubuksan na ang kompetisyon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. (AT)
- Latest