Hawks, Warriors 50-wins na
MANILA, Philippines - Umabot na sa 50-wins ang Atlanta Hawks at Golden State matapos ang magkahiwalay na panalo sa NBA nitong Lunes.
Sa Atlanta, umiskor sina Kyle Korver at DeMarre Carroll ng tig-20 points para hirangin ang Hawks na unang NBA team na nagtala ng 50 panalo matapos gibain ang Sacramento Kings, 130-105.
Tumipa si Korver ng 6-of-8 shooting sa 3-point range at nagposte ang Hawks ng franchise record na 20-of-36 clip na bumasag sa 19 na kanilang inilista laban sa Dallas noong Dec. 17, 1996.
“I didn’t know we hit 20,’’ sabi ni Korver. “That’s a big number.’’
Nang ipahinga si Korver at dalawa pang starters, natalo ang East-leading Hawks (50-13) sa Philadelphia 76ers kamakalawa na pumigil sa kanilang six-game winning streak.
Sa Phoenix, humugot si Stephen Curry ng 25 sa kanyang 36 points sa second half at tinalo ng Golden State Warriors ang Phoenix Suns, 98-80 para sa kanilang pang-50 panalo sa season.
“This is a special team and a special group,’’ wika ni Curry. “We are put together to win a championship. That is the big picture but the focus is on how we play night in and night out. You can tell by the way we played tonight.’’
Nagdagdag si Klay Thompson ng 25 para sa Warriors, ang 50-12 ang best record sa NBA kumpara sa Atlanta.
Nagtumpok si Curry ng 7-of-13, 3-pointers, 6- of-8 sa second half, para sa kanyang pang-13 na 30-point game sa season.
“Steph was spectacular and hit so many shots,’’ ani Golden State coach Steve Kerr. “I got on him a little bit at halftime. The last two minutes of the first half were really disappointing. We just lost our focus and he came out in the second half just on fire and locked in. He was incredible.’’
Humakot naman si Draymond Green ng 11 points at 10 rebounds para sa ikaapat na sunod na panalo ng Warriors.
- Latest