Robinson kukunin ng Clippers

MANILA, Philippines - Papipirmahin ng Los Angeles Clippers si free-agent point guard Nate Robinson ng 10-day contract sa Sabado, ayon sa Yahoo Sports.

Matagal nang interesado ang Clippers kay Robinson matapos itong i-waive ng Boston Celtics noong Jan. 14 matapos siyang makuha sa isang trade sa Denver Nuggets.

Ang 5-foot-9 veteran ay nag-average ng career-low na 5.8 points at  2.3 assists sa 33 games sa Nuggets ngayong season.

Sa kanyang naunang 9-seasons, si Robinson ay nag-average ng 11.4 points per game. Lumaro siya para kay Clippers coach Doc Rivers sa Boston noong 2009-10 at 2010-11 seasons.

Si Robinson ay nagpractice na noong Sabado.

 

Show comments