PBA All Stars tagumpay
PUERTO PRINCESA, Philippines – Ang mahusay na pag-oorganisa ng NickelAsia at pakikipagkooperasyon ng mga players ang dahilan para maging matagumpay ang 26th PBA All-Star Week.
Natuwa sina PBA commissioner Chito Salud at league board chairman Patrick Gregorio sa katatapos lamang na All-Stars na dinumog ng mga tao partikular ang All-Star Friday at All-Star Sunday.
Pinasaya ng PBA Stars ang Puerto Prinsesa sa kanilang apat na araw na pagbisita na kinapalooban ng outreach programs tulad ng hospital visit at tree-planting sessions.
“I think it goes hand in hand. When the league is doing well, we get good partners. NickelAsia has been a fantastic partner. On its own that is a very strong company. But if you have a league that is as strong as the PBA today, you get partners like NickelAsia,” sabi ni Salud na pinuri rin ang mga players. “I think the players clearly have shown today that they have realized, recognized, acknowledged their roles, their responsibility to the fans. They gave a show, not only in terms of basketball, but in terms of entertaining their fans.”
Tinalo ng North team ang South squad, 166-161 sa All-Star Game kung saan si Globalport sophomore guard Terrence Romeo ang itinanghal na All Stars MVP.
Si Romeo rin ang nanalo sa Three-Point noong Biyernes kung saan si Rey Guevarra naman ang na-ging ikatlong PBA player na nanalo ng back-to-back sa slam dunk competition.
- Latest