LeBron may bagong achievement

CLEVELAND  -- Nagtala na naman si LeBron James ng bagong record nang kanyang tulungan ang Cavaliers na umakyat ng standings.

Pinantayan ni James ang franchise career assists record sa third quarter at nakalapit ang Cleveland sa pakikipagtabla sa second place sa Eastern Conference matapos ang 89-79 panalo kontra sa Phoenix nitong Sabado.

Tumabla si James kay Mark Price sa 4,206 assists sa third quarter nang  isagawa nito ang kanyang ikawalo at huling assists at umiskor ng 17 points nang tapusin ng Cavaliers ang kanilang 4-game schedule sa loob lamang ng limang gabi.

“It’s a pretty cool feat anytime I get an opportunity to move into the record books,’’ sabi ni James. “Having assists means my teammates are making shots. Credit goes to my teammates.’’

Sa New Orleans, sa tingin  ng Pelicans ay masyadong unselfish si Tyreke Evans sa kanyang laro kaya sinabihan nila ito pagsapit ng halftime para makaba-ngon sa double-digit deficit laban sa isa sa mga bigating team sa NBA.

Mula rito ay panay ang iskor ni Evans upang ipalasap ng New Orleans ang pinakamasamang talo sa Memphis Grizzlies ngayong season.

Umiskor si Evans ng 26 points, 15 nito ay sa second half bukod pa sa five assists at wala siyang nagawang turnover nang maghabol ang New Orleans ng18 points upang igupo ang beat Memphis, 95-89.

Sa Minneapolis, alam ng Portland Trail Blazers na hindi nila makakasama si Wesley Matthews at ipinaramdam ng husto ng Minnesota kung gaano siya kahalaga sa kanila.

Umiskor si Kevin Martin ng 29 points at kumana si Ricky Rubio ng  3-pointer papasok sa huling minuto ng labanan nang wakasan ng Timberwolves ang four-game losing streak sa pamamagitan ng 121-113 panalo kontra sa Trail Blazers.

Hindi nakalaro si Matthews dahil sa napunit na Achilles noong Huwebes na nagpahina sa tsansa ng Blazers sa Western Conference.

Sa Philadelphia, Nagdesisyon ang Atlanta Hawks, nakasiguro na ng playoff berth sa Western Conference na ipahinga ang kanilang  tatlong starters kontra  sa mahinang Philadelphia na kanilang ikinatalo.

Umiskor sina Hollis Thompson at Luc Mbah a Moute ng tig-19 points at sinurpresa ng 76ers ang kulang sa tao na Hawks, 92-84.

 

Show comments