^

PM Sports

Ateneo Eagles lumapit sa UAAP baseball title

Pang-masa

Laro SA MArso 12

(Rizal Memorial Baseball Stadium)

11 a.m. – ADMU vs DLSU

(Finals, Game 2)

 

MANILA, Philippines - Lumapit ang Ateneo sa pagkumpleto sa three-peat matapos kunin ang 7-3 panalo laban sa De La Salle sa Game 1 ng UAAP Season 77 baseball championship series kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Humataw si dating MVP Matt Laurel ng two-run single sa fourth inning para ibigay sa Blue Eagles ang 4-3 kalama-ngan laban sa Green Batters.

 Lumayo pa ang Ateneo sa sixth inning matapos kunin ang 6-3 bentahe nang umiskor si Dio Remollo ng two-run single.

Maaaring makamit ng Blue Eagles ang kanilang ikatlong sunod na baseball crown kung mananalo sa Game 2 sa Huwebes sa Rizal ballpark.

“Our three straight losses served as a wake up call for us. We were able to adjust and I think we have a flawless game sa defense,” wika ni Ateneo coach Randy Dizer.        

Nagbida naman para sa La Salle si rookie Boo Barandiaran sa pagsisimula ng laro matapos magpatalsik ng anim na batters, habang may tatlong strike outs si Carlos Muñoz.

Binuksan ng Ateneo ang season mula sa 7-0 record bago natalo ng tatlong sunod sa dulo ng eliminations.

ATENEO

BLUE EAGLES

BOO BARANDIARAN

CARLOS MU

DE LA SALLE

DIO REMOLLO

GREEN BATTERS

LA SALLE

RIZAL MEMORIAL BASEBALL STADIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with