NEW YORK – Pinagmulta si Phoenix Suns center Alex Len ng $20,000 dahil sa pangunguna sa kanilang banggaan ni Miami Heat center Hassan Whiteside.
Si Whiteside ay pinatawan naman ng $15,000 dahil sa pagpapabagsak kay Len sa sahig sa kanilang laro sa Miami.
Pinagbayad si Suns forward Markieff Morris ng $15,000 para sa kanyang flagrant-2 foul kay Heat guard Goran Dragic.
Ang mga multa ay inihayag ni NBA executive Rod Thorn. Ipinanalo ng Miami ang laro, 115-98.