Wala namang umaatras sa Palaro sa Davao
MANILA, Philippines - Kumpiyansa sa mga local officials ng Davao del Norte na kumpleto ang mga atleta mula sa National Capital Region (NCR) na sasali sa Pala-rong Pambansa sa likod ng mga balitang marami ang umaatras dahil sa isyu ng seguridad.
Sa panayam kay Davao del Norte representative Anthony del Rosario, sinabi niyang wala siyang naririnig na balita patungkol sa posibleng pag-atras ng ibang kasa-ling delegasyon.
“So far, we have not heard of anybody cancelling. In fact, I’ve gotten text messages from my classmates in Ateneo de Manila whose children are coming from NCR,” wika ni Del Rosario.
Usaping seguridad ang kinakaharap ng host province dahil sa nangyaring bakbakan sa panig ng mga PNP Special Action Forces at MNLF sa Mamasapano na ikinasawi ng 44 SAF noong Enero.
Tiniyak pa ni Del Rosario ang pagtutulungan ng PNP at AFP para tiyakin ang seguridad ng inaasahang nasa 10,000 bisitang atleta, opisyales at iba pa para sa Palaro na gagawin mula Mayo 3 hanggang 9.
“Kapag may issue sa peace and order, the first people that back out are people from NCR. But so far, the athletes from the NCR are coming to Davao del Norte,” wika pa ng Kongresista.
Ang ama at Gobernador ng probinsiya na si Rodolfo Del Rosario ang siyang nangunguna sa preparasyon sa Palaro na ang tampok na palaruan ay ang Davao del Norte Sports Complex sa Tagum City. (AT)
- Latest