Bosh nakalabas na ng ospital
MIAMI – Tapos na ang unang hakbang para sa recovery ni Chris Bosh. Nakauwi na siya sa bahay.
Pinalabas na ng ospital sa South Florida ang Miami Heat forward kung saan na-confine siya dahil sa mga nagbarang dugo (blood clots) sa kanyang baga.
Naospital si Bosh ng mahigit isang linggo at kailangan pa ring imonitor ng mabuti ngunit ang makalabas ng ospital ay isang malaking hakbang patungo sa kanyang recovery.
“That was his first goal,’’ sabi ni Heat coach Erik Spoelstra. “He’s been very anxious to get out of there. It was dri-ving him nuts.’’
Naging malaking banta kay Bosh at sa Heat ang kanyang naging kondis-yon lalo na’t natuklasan ito, ilang araw matapos mamatay si NBA star Jerome Kersey dahil sa blood clot na umakyat mula sa kanyang binti patungo sa baga.
Hindi pa sinasabi ng team ang mga detalye ukol sa kondisyon ni Bosh na sigurado nang hindi makakabalik sa Miami ngayong season.
Na-diagnose ang kon-disyon ni Bosh noong nakaraang linggo nang makaramdam siya ng sakit sa kanyang tagiliran at likod habang naglalaro ng ilang araw. Huli siyang naglaro sa NBA All-Star game sa New York dalawang linggo na ang nakakaraan at nagpunta siya ng ospital para sa evaluation matapos makaramdam ng patinding sakit habang nasa bakasyon kasama si Dwyane Wade sa Haiti makalipas ang ilang araw.
Walang timetable para sa pagbabalik-laro ni Bosh na may average na 21.1 points at 7 rebounds ngayong season.
- Latest