Ateneo- La Salle sa semis ng UAAP football

Laro Ngayon (Rizal Memorial Football Stadium)

2 p.m. – DLSU vs ADMU (men semis)

4 p.m. – FEU vs UP (men semis)

MANILA, Philippines – Dalawa lamang sa hu­ling apat na koponang nakatayo ang magpapa­tuloy ng laban sa 77th UAAP football tourna­ment sa semifinals nga­yon sa Rizal Memorial Football Stadium.

Unang sasalang ang magkaribal na La Salle Archers at Ate­neo Blue Eagles sa alas-2 ng ha­pon bago ang pagkikita ng nagtuos sa Finals no­ong nakaraang taon na FEU Tamaraws at UP Fighting Ma­roons sa alas-4 ng ha­pon.

Nanguna ang La Salle (32 puntos) at FEU (30) sa elimination round pero hindi tu­lad noong nakaraang taon, nagdesisyon ang pa­munuan ng liga na ali­sin ang ibinibigay na ‘twice-to-beat’ advantage sa No. 1 at No. 2 teams para mas ma­ging kapana-panabik ang ‘do-or-die’ game.

Hindi pa natatalo ang La Salle at ito ang ka­nilang sasandalan para magkaroon ng tibay ang paghahangad ng titulo na huli nilang inangkin no­on pang 1998.

Huling nagtuos ang magkaribal sa semifinals noon pang Season 75 at nanalo ang Blue Eagles at itinuloy pa nila ito sa pagkopo ng kampeo­nato.

Ngunit minalas ang Blue Eagles sa Season 76 at hindi pumasok sa se­mifinals kaya masid­hi ang hangarin nilang daigin ang karibal para ma­muro sa pangalawang kam­peonato sa huling tat­long taon.

Mangunguna naman para sa Tamaraws ang MVP na si Paolo Bugas katuwang si Eric Gi­­ganto para ilapit ang sa­rili sa posibleng back-to-back titles.

Pero hindi basta-basta papayag ang Fighting Maroons sa pangunguna ng mahusay na si Jinggoy Valmayor.

Show comments