MANILA, Philippines – Handang-handa na si Kia playing coach Manny Pacquiao sa kanyang pagtungo sa United States kaya hindi siya nakasuot ng basketball uniform kagabi.
Ngunit imbes na kaligayahan ang kanyang baunin sa biyahe ay kalungkutan.
Winakasan ng Blackwater Elite ang two-game winning run ng Carnival matapos iposte ang 115-104 panalo sa 2015 PBA Commissioner’s Cup sa San Juan Arena.
Pansamantalang iiwanan ni Pacquiao ang Kia para magsanay sa Wild Card Boxing Club bilang paghahanda sa laban nila ni Floyd Mayweather, Jr. sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Sinimulan ng Carnival ang laro mula sa kanilang 7-0 abante bago kumamada ang Elite para itala ang 18-point lead, 39-21, sa 7:54 ng second period.
Nakalapit ang Kia sa 57-62 sa 8:36 ng third quarter mula sa pagbibida ni 7-foot-4 import PJ Ramos, kumolekta ng 49 points, 14 rebounds at 3 assists.
Ngunit muling nakalayo ang Blackwater sa 109-97 sa likod ng dalawang sunod na jumper ni Eddie Laure sa huling 59 segundo.
Tumapos si guard Brian Heruela na may career-high na 27 points, 8 rebounds at 7 assists, habang nagdagdag si naturalized player Marcus Douthit ng 24 markers, 13 boards, 6 assists at 5 shotblocks para sa Elite.
BLACKWATER 115 – Heruela 27, Douthit 24, Salvacion 22, Gamalinda 10, Laure 7, Reyes 6, Erram 6, Bulawan 6, Ballesteros 4, Faundo 2, Celiz 1.
Kia 104 – Ramos 49, Avenido 10, Cervantes 9, Bagatsing 9, Thiele 8, Revilla 8, Buensuceso 3, Cawaling 2, Dehesa 2, K. Pascual 2, Yee 2, Poligrates 0, Alvarez 0, Burtscher 0.
Quarterscores: 29-21; 56-42; 83-69; 115-104.