CLEVELAND -- Kumamada si LeBron ng season-high 42 points at tinalo ng Cleveland Ca-valiers ang Golden State Warriors, 110-99 para sa kanilang pang-18 panalo sa huling 20 laro.
Nagdagdag din si James ng 11 rebounds at pinasiklaban niya si MVP candidate Stephen Curry at ang Cleveland laban sa Golden State na may best record sa NBA tungo sa kanilang ika-11 sunod na home victory.
Hindi pinansin ni James ang sinasabing pangunguna niya sa MVP race.
“That’s not why I’m here,” wika ni James. “I’ve got to be the MVP for these guys, the 14 guys in the locker room. When I’m on the floor I’ll try to do everything I can to help this team win.”
Nakatanggap naman ang Cavaliers ng masamang balita nang magkaroon si All-Star guard Kyrie Irving, umiskor ng 24 points, ng left shoulder injury at hindi sumama sa biyahe ng Cavaliers sa In-diana para sa kanilang laro ng Pacers nitong Biyernes.
Sinabi ng isang team spokesman na sasailalim si Irving sa MRI at maaa-ring hindi paglaruin laban sa Pacers.
Iniwan ni Irving ang laro sa third quarter at dumiretso sa locker room, ngunit nagbalik pa sa fourth period.
Umiskor naman si Curry ng 18 points, ngunit may 6 points lamang matapos ang first quarter at nagtala ng 5 of 17 fieldgoal shooting.
“I hope it’s not handed out on this one game,’’ sabi ni Curry tungkol sa MVP. “I hope it’s about the body of work. Tonight just wasn’t my best game. Shots that I normally make didn’t fall tonight.’’
Pinamunuan ni David Lee ang Golden State (44-11) sa kanyang 19 points.
Hindi naglaro si James bunga ng knee at back injuries nang maglaban ang Cavaliers at ang Warriors noong Jan. 9 kung saan kinuha ng Golden State ang 112-94 panalo.
Sa Phoenix, nagtala si Russell Westbrook ng triple-double, pero si Eric Bledsoe ang nakakuha ng panalo.
Umiskor si Westbrook ng 39 points sa kanyang ika-12th career triple-double ngunit nagmintis sa panabla sanang layup sa huling 5.7 segundo ng overtime sanhi ng pagkatalo Oklahoma City sa Phoenix, 113-117 na tumapos sa seven-game winning streak ng Thunder.