ATLANTA – Sinuspindi ng Dallas Mave-ricks si Rajon Rondo sa kanilang laro kontra sa Atlanta dahil sa kanyang inasal na hindi maganda para sa team, isang araw matapos ang pakikipagsagutan niya kay coach Rick Carlisle sa court kung saan ibinangko siya pagkatapos ng insidente.
Sinabi ni Carlisle na kailangang makipag-usap sa kanya ng maayos si Rondo.
“The incident last night was born in large part from poor communication between him and I,” sabi ni Carlisle bago matalo ang Dallas. “That’s on both of us. We had a long talk about the situation today and we both agreed we need to communicate more frequently and we need to work on the solution of making his stint as a Dallas Maverick the most successful one possible.”
Inilabas si Rondo, may 8:10 minuto ang natitira sa third quarter sa 99-92 home victory ng Dallas kontra sa Toronto.
Dala niya ang bola patawid ng court nang galit na galit na humingi ng timeout si Carlisle at nakipagsigawan kay Rondo habang pabalik sa bench ang mga players.
Naghahabol ang Mave-ricks ng 9-points nang ilabas si Rondo at sumandal kina backups Devin Harris at J.J. Barea sa pagmamando ng opensa kasama sina scorer Monta Ellis na siyang humahawak ng bola minsan.
Sinabi ni Carlisle na babalik bilang starter si Rondo sa susunod na laro ng Mavericks kontra sa Brooklyn sa Sabado.
“It’s one game. He’ll serve it tonight,” sabi ni Carlisle. “We’ll be off tomorrow. He’ll practice Friday and he’ll be back in the starting lineup on Saturday. The events of last night are now in the past and we’ve got to move forward. I need to say this very clearly: He’s an extremely important part of our team. Our efforts to get to the highest possible level largely hinge on ... playing well with him. He needs to play well with us and we need to play well with him. It’s a two-way street.”
Sinabi ni Carlisle na ang suspension ay “organizational decision.”