MANILA, Philippines - Isang bagong WBC belt ang hinuhulma para ipagkaloob sa mananalong boksingero sa tagisang Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa Mayo 2.
Mismong si WBC president Mauricio Sulaiman ang nagsabi nito sa website ng World Boxing Council.
“For this special recognition, I would like to have emeralds or platinum, but everything will be defined during the next weeks. This is because of the magnitude of the event, which will be broadcast via TV networks globally,” wika ni Sulaiman.
Hindi ito ang unang pagkakataon na gagawa ng ganitong hakbang ang WBC.
Noong hinarap ni Pacquiao si Miguel Cotto para sa WBC welterweight title ay nagpagawa ang dating WBC president na si Don Jose Sulaiman ng diamond belt na napanalunan ng Pambansang Kamao sa pamamagitan ng 12th round TKO noong Nobyembre 14, 2009.
Iniwan na ni Pacquiao ang WBC at siya ang kasalukuyang kampeon sa WBO habang si Mayweather ang hari sa organisasyon ni Sulaiman.
Hindi rin dapat palagpasin ng mga mahihilig sa boxing ang makasaysayang laban na ito at bagama’t napakamahal ng tiket at tila inireserba lamang sa mga mayayaman ay puwede namang mapanood ang tagisan sa telebisyon.
“It came in a good moment and it will be an emotive event. Both are obviously putting their legacy at stake, to prove who’s the best, satisfying an enormous created expectance. There are also competing to be considered one of the best 10 fighters in the entire boxing history,” dagdag nito.