MANILA, Philippines – Inaasahang magiging exciting ang ikatlong edis-yon ng Philippine Superliga (PSL) na lalarga na sa susunod na buwan dahil sa pagsabak ng mga Filipino-foreign recruits.
Sinabi ni PSL president Ramon “Tats” Suzara kahapon na ang Filipino-foreign recruits ay makikipag-agawan sa mga homegrown players ng slot sa PSL All-Filipino Conference na magbubukas sa March 21 sa Mall of Asia Arena.
Kabilang sina Fil-Swiss Jennifer Salgado, Fil-Americans Alexa Micek, Kayla Williams, Maureen Loren at Iris Tolenada na nakilala nang maging unang San Francisco State University player na nanalo ng Most Valuable Player title sa bigating California Collegiate Athletic Association sa mga manlalarong makakahilera ng mga local players sa SL Annual Draft ay nakatakda sa March 11 sa SM Aura o sa Glorietta Activity Center.
Kabilang din sa mga pagpipilian ang mga local players na sina Angeli Araneta ng University of the Philippines, Pam Lastimosa ng University of Santo Tomas at Denise Lazaro ng Ateneo de Manila na kasalukuyang nasa kainitan ng kanilang kampanya sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).
Inaasahang sasali rin sina National Collegiate Athletic Association (NCAA) standouts Rica Enclona, Janette Panaga, Janine Navarro at Michelle Segodinena huling lumaro sa Adamson University sa UAAP.
“Our roster of talents this season is so deep that we have no idea who will emerge as top overall pick,” sabi ni Suzara. “But I’m sure all coaches are doing their home works. They are closely scouting their prospects and keeping their eyes on potential stars from outside the country. So, do not be surprised if our third season will better our first two seasons in terms of competitiveness.”
May pagkakataon ang mga coaches at scouts na masilip ang mga fresh talents sa pagdaraos ng liga ng unang pre-draft camp sa March 6 at 7 either sa Cuneta Astrodome o sa gymnasium ng Philippine Navy.