^

PM Sports

Lim sa Ronda Pilipinas Stage 4, Barnachea lumalayo na

Russell Cadayona - Pang-masa

TARLAC CITY, Philippines – Sa huling 500 metro lamang nakawala si national rider Rustom Lim para makamit ang Stage Four, habang patuloy sa pagpapalaki ng kalamangan si overall leader Santy Barnachea ng Navy Standard Insurance.

Nagsumite ang 21-anyos na si Lim ng PSC/PhilCycling Deve-lopmental Team ng bilis na apat na oras, 41 minuto at 41 segundo para pagha-rian ang 199-km Stage 4 kahapon dito sa Tarlac Provincial Capitol.

“Last three kilometers talagang pinilit kong makawala sa chase group kahit maraming Navy,” sabi ni Lim, ang bronze medalist sa road race noong 2011 Asian Cycling Championship.

“Sa last 500 meters naman tinantiya ko lang si (Mark) Galedo, kaya nu’ng alam kong kaya ko, iniwanan ko na siya,” dagdag pa ng tubong Guim-ba, Nueva Ecija.

Sina Lim, Barna-chea, Galedo ng 7-Eleven Roadbike, John Paul Morales at Lloyd Lu-cien Reynante ng Navy, George Oconer at Mark Julius Bonzo ng PhilCycling ay bahagi ng chase group na nasa likod ng lider na si John Renee Mier ng Cebu-VMobile.

Inungusan ni Lim sa finish line para sa prem-yong P30,000 sina Morales (4:43:43), Oconer (4:43:43), Bonzo (4:43:46), Jerry Aquino, Jr. (4:43:46) ng PhilCycling, Tots Oledan (4:43:46) ng Butuan, Galedo (4:43:46), Dominic Perez (4:43:46) ng 7-Eleven, Rommel Hualda (4:43:49) ng Cebu at Randy Olog (4;43:49) ng NCR.

Nagposte naman ang 38-anyos na si Barnachea, ang 2011 Ronda Pilipinas champion, ng aggregate time na 14:21:01 para patuloy na banderahan ang overall race kasunod ang  14:28:38 ng Stage One winner na si Oconer at ang 14:29:20 ni Cris Joven.

“Last four stages, hindi pa natin masasabi na makukuha ko ang overall. Medyo 50-50- pa ang stanza natin,” sabi ni Barnachea.

Nauna nang lumamang si Junrey Navarra ng PSC/PhilCycling Development Team ng halos 30 minuto bago kumilos ang chase group sa Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Samantala, hahataw ngayon ang 140-km Stage Five mula sa Tarlac Provincial Capitol at tatahakin ang Paniqui hanggang Bayambang at magtatapos sa Dagupan City Plaza.

Mula sa orihinal na 101 siklista ay 84 ang natirang aktibong kumakarera matapos sumuko si Christian Carbonita (Cebu) sa Stage Four.

Isa sa mga nauna nang nawala sa karera para sa premyong P1 milyon ay si 2014 champion Rei-mon Lapaza ng Butuan City na umayaw sa Stage Three noong Lunes.                     

ASIAN CYCLING CHAMPIONSHIP

BARNACHEA

BUTUAN CITY

CEBU

GALEDO

NUEVA ECIJA

STAGE FOUR

TARLAC PROVINCIAL CAPITOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with