MANILA, Philippines – Huling upuan patungo sa semifinals ang paglalabanan ngayon ng UST Tigresses at FEU Lady Tamaraws sa 77th UAAP women’s volleyball playoff sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ikatlong laro dakong alas-4 ng hapon magsisimula ang tagisan at magsisilbing pampagana sa inaasahang mainit na tunggalian ng dalawang koponan ay ang pagsisi-mula sa men’s Final Four.
Unang sasalang ang UST Tigers laban sa nagdedepensang kampeong National University Bulldogs sa ganap na ika-10 ng umaga bago palitan ng Ateneo Eagles kontra sa Adamson Falcons dakong alas-2 ng hapon.
Dahil tumapos bilang top-2 ang Ateneo at UST sa elimination round, kaila-ngan lamang nilang manalo ngayon upang itakda ang pagkikita sa Finals na isang best-of-three series.
Kung makasilat ang Bulldogs at Tamaraws, magkakaroon pa ng isang laban sa Sabado.
Tumapos ang Tigresses at Lady Tamaraws sa magkatulad na 6-8 karta kaya’t nagkaroon ng playoff para malaman kung sino ang makakatapat ng puma-ngatlo sa elims na National University Lady Bulldogs.
Winalis ng UST ang FEU sa dalawang pagtutuos pero hindi puwedeng biruin ang lakas ng Lady Tamaraws na nasa ikatlong playoff sa huling apat na taon.
Sina Bernadeth Pons, Mary Joy Palma at Geneveve Casugod ang mga aasahan sa mahala-gang laro na ito.
Ang tatlong nabanggit ay nagsanib sa 34 puntos nang tinalo sa straight sets ang Adamson Lady Falcons sa isang do-or-die game noong Sabado.
“Nandoon na ang laro at ang kumpiyansa. Mahalaga ito sa ganitong playoff,” wika ni FEU coach Shaq Delos Santos.
Hindi naman pahuhuli ang Tigresses na huhugot ng lakas kina Pamela Lastimosa at Carmela Tunay bukod pa sa mahusay na rookie na si Ennajie Laure.
Ang nagdedepensang kampeong Ateneo Lady Eagles ay dumiretso na sa Finals at may thrice-to-beat advantage dahil sa 14-0 sweep habang ang La Salle Lady Spikers ang pumangalawa (12-2) at may twice-to-beat kontra sa kanilang makakalaban sa step-ladder semifinals. (AT)