INDIANAPOLIS – Hindi pinansin ni Rodney Stuckey ang sprained left ankle sa isa na namang eksplosibong laro para sa Indiana Pacers.
Umiskor si Stuckey ng 30 points at nakabangon ang Pacers mula sa 12-point deficit upang igupo ang NBA-leading team na Golden State Warriors, 104-98 nitong Linggo ng gabi.
“We’ve been playing great basketball and it’s ano-ther great win against a great team,’’ sabi ni Stuckey. “We’ve just got to keep it up.’’
Lumaro si Stuckey kahit na-sprain ang kanyang kaliwang bukung-bukong sa Philadelphia noong Biyernes kung saan umiskor siya ng 30-points.
“He’s as tough as they come,’’ sabi ni Pacers coach Frank Vogel. “I was reading his body language to see if he felt like he should come, but he was looking away from us as to say, ‘Don’t you dare take me out. So, I didn’t dare take him out.’’
Hindi halatang may iniinda sa paa si Stuckey nang isagawa nito ang cutting layup mula sa pasa ni David West para ibigay sa Indiana ang 91-90 lead may 3:58 minuto ang nasa oras.
Ito ang ikalawang pagkakataon na pinahiyaw ni Stuckey ang halos 18,000 fans sa Bankers Life Fieldhouse dahil sa pagtunog ng buzzer sa pagtatapos ng third quarter, pumukol siya ng tres na nagbigay sa Indiana ng 81-78 lead.
“Just putting in extra work, putting up extra shots after practice,’’ ani Stuckey. “Just doing my routine. I’m feeling more confident and just being more aggressive and that’s my game. When I’m aggressive out there on the court, that’s when I’m at my best.’’
Lumaro ang Warriors na wala si star guard Stephen Curry sa unang pagkakataon ngayong season dahil sa pamamaga ng right ankle.
“It is not easy without your best player,’’ ani Klay Thompson na umiskor ng 15 sa kanyang 39-points sa first quarter. “It doesn’t matter who is in the game for us, we’ve got plenty of guys who can execute.’’
Sa Portland, Oregon, umiskor si Marc Gasol ng 21-points at bumangon ang Memphis mula sa 13-point deficit sa fourth quarter para sa 98-92 panalo kontra sa Portland Trail Blazers.
Biglang tinanggal si LaMarcus Aldridge sa line-up ng Blazers dahil sa right thumb sprain na nakuha niya sa kanilang pagkatalo sa Utah ngunit sinabi ni coach Terry Stotts na hindi naman ito seryoso.